Pagsusumamo ng Uhaw na Ulan

Hinahawi ng malakas na hangin ang iyong katauhan.
Ipinapakita nito sa iyo ang makulimlim na hapon.
Malamig pa rin ang pakikitungo sa iyo ng hangin.
Ipinadarama nito sa iyo ang paghihirap ng puno
sapagkat ang kanyang mga dahon ay unti-unting nagpapaalam.
Panoorin mo ang pagtatanghal ng ulan.
Pakinggan mo ang pagsamo nito
na sulyapan ang kanyang pagbuhos [...]